Imelda Papin, sinalubong ng masamang pangitain ngayong 2012!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng bonggang-bonggang yours truly. At in fairness, first Friday of the year ngayon, kaya lang puro negative ang ichi-chika ko sa inyo dahil hanggang ngayon, hindi pa rin ako maka-move on sa pagkamatay ni Ramgen Revilla na kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nila tinatantanan si Ram kahit wala na siya at noong 2011 pa ang naging trahedya.

Ngayon, kahit wala na siya ay may naglabas pa rin ng sex video scandal niya na ang tanong, ano kaya ang gustong palabasin nu’ng naglabas? Sino ba ang masisira sa video, kundi si Janelle Manahan, dahil siya ang babae at parang siya ang naging biktima dito nang ilantad nila ang sex video scandal.

Hindi ko lubos maisip na may gano’ng tao pa at mukhang malaki ang galit nito kay Ram or kay Janelle, kaya nila inilabas ‘yun…

 

AT SIYEMPRE, kumustahin naman natin ang nangyaring trahedya sa aking kaibigan ngayong pagpasok ng 2012 na si Ms. Imelda Papin. Mukhang malungkot ang nabalitaan ko na talaga namang nanawakan sila.

At take note, talagang parang plinano, dahil kapag nagpupunta ako sa bahay nila ay maraming tao at imposibleng lahat sila ay tulog. Sobrang kakaiba ang nangyari ngayon sa bahay nila, parang walang takot ang gumawa noon. Mukhang masamang pangitain sa aking kaibigan ngayong pagpasok ng 2012.

Anyways, napasama rin ang Pamasko ko sa aking kaibigan. Hayaan na natin, baka good karma naman ang kapalit at sabi nga ng anak niya na buti na lang at walang nasaktan sa kanila, dahil madali namang kitain ang pera pero ang buhay ay hindi napapalitan. Tama!

 

AT DUMAKO naman tayo sa aking talent na si Marc Tanjala-ngit na pamangkin ni Jed Madela. Dalawa ang naging offer sa kanya ngayon na indie film, at mukhang magtutuluy-tuloy na ang career niya sa pamamagitan lagi ng aking pagsulat.

Talagang hindi sila magsisisi sa pagpili sa batang ito, dahil talagang napatunyan ko. Ako mismo, humanga sa kanya. Hindi ko naman siya gagawing talent kung wala siyang sinabi sa ibang artista.

Congratu-lations, Marc! Baka ito ang simula ng iyong career…

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.