Imelda Papin, pinag-iinitan sa isang reality-talent show?!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng yours truly at pasabog Monday na naman tayo, dahil maloloka ka talaga sa Earth sa mga chikkang isi-share ko sa inyo na talagang magdadalawang-isip ba kayo o hindi.

Kumustahin naman natin itong si Imelda Papin na hanggang ngayon ay bakit naiintriga pa rin samantalang nagkaroon siya ng concert sa ibang bansa at parang nadadawit siya sa isyu sa Protégé na na talaga namang iniintriga ang ate mo.

Heto kasi ang chikka na may nakapagsabi sa akin na kaya ganon na lang ang papuri kay Verni Varga ni Bert de Leon, kasi dati pala silang may nakaraang relasyon. Isa pa sa nakausap ko nga, ang anak ni Imelda na si Ilene na wala naman daw naituro si Vernie kay Rosalyn, kasi sa studio na lang mismo nagkita ang dalawa.

At ang mas nakakalokang kuwento d’yan ay ang talagang inasal muna sa komento ng isang judge na si Bert de Leon na tila naka-drugs pa yata sa pagpapatutsada kay Rosalyn na protégé ni Imelda Papin, na pansamantalang si Vernie Varga ang humalili kay Imelda, at sinabi niya pa na, ‘buti naman ikaw na ang humalili kay Rosalyn, tiyak na mas maraming matutuhan sa ‘yo ang batang ‘yan’.

Nakakaloka, ‘di ba? Naintriga pa? Major major talaga ang galit ko sa judge na ito na hindi man lang niya iniisip kung maganda ang nagiging comment niya. Tanong ko lang, ‘te… ano ba ang atraso ni Imelda Papin sa dalawang judge ng Protégé? Una si Loiue Ocampo ang ayaw sa pagkanta ni Rosalyn, kasi mas magaling pa raw ang original sa kinanta niya. Nakakawindang! Bakit naman hinahanapan niya ang bata na mas gagaling pa sa original? Kaya nga contest ‘yan ng mga amateur na tulad ni Rosalyn, hindi laban nina Imelda  at Claire ‘yan.

Kawawa naman si Rosalyn, napunta siya kay Imelda na parang binabastos ng dalawang judge. Ang tanong: Sino ba ang maraming napatunayan sa dalawa kina Imelda at Vernie? Kaloka!

 

AT HETO pa, pagdating sa usapang kantahan, dahil natuklasan ko lang itong banda ito dahil sa aking kaibigan na si Joey Obando at Lourdes na itong Ynstink band ay matagal na talagang magkakasama. At ang bonggang eksena rito ay magkakapamilya sila, kaya matagal na raw silang magkakasama.

Kaya lang, marami pa rin ang pinagdaanan nila bago nila makamit ang pinakahinihintay nila na album, magiging pround naman ang mga kapwa nila banda dahil ang payo lang nila sa mga baguhan na banda ay ‘wag silang magsasawa hangga’t hindi pa nila nakakamit ang tagumpay na inaasam-asam nila. Kaya naman kung gusto n’yong mapakinggan ang album ng Ynstink, napapatugtog na rin siya sa ibang radio stations at ang bonggang eksena pa riyan ay mapapanood n’yo sila sa Cowboy’s Grill every Fridays and Saturdays… bongga! At in fairness, kung tatanungin n’yo naman sa ‘kin ang mga face value nila.. effectivity naman lahat… bongga!!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.