Imbestigasyon sa Sex-For-Fly’ Scheme, Tatapusin Na

TATAPUSIN NA ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Hulyo 12 ang pagsisiyasat sa “sex-for-fly” probe sa Middle East.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, mula sa Saudi Arabia, tutungo na sa Jordan ang investigation team at inaasahang sa Hulyo 12 maisusumite na ang ulat.

Una nang isinumite kay Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang update report ukol sa pagsisiyasat sa umano’y sekswal na pang-aabuso at pambubugaw umano ng mga labor official sa mga Pinay kapalit ng paglipad sa bansa.

Nangako ang Pangulong Aquino na papapanagutin ang mga sangkot sa isyung ito.

Inatasan si Baldoz na makipag-ugnayan kay Executive Secretary Pacquito Ochoa at Justice Sec. Leila De Lima ukol sa mga isasampang kaso.

Sa ngayon, magtatalaga na ang DOLE ng 13 babaeng labor personnel sa Philippine Overseas Labor Offices sa Saudi Arabia, Kuwait at Jordan,

Ikinakasa na rin ang maigting na monitoring system sa kung ilang distressed Pinoy workers ang nasa Bahay Kalinga at ang pagsasaayos ng recruitment at deployment doon.

Samantala, tutukan din ang paghawak ng mga kaso at repatriation ng mga Pinoy roon sakaling magkaproblema ang mga ito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.