Imbestigasyon sa ‘Sex-For-Flight’ Scandal, Pinalawak sa Southeast Asia

MALIBAN SA Middle East, pinalawak pa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagsisiyasat nito kaugnay ng kontrobersiyal na ‘sex-for-flight’ probe laban sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa ibayong dagat.

Katunayan, ni-recall na rin ng DFA ang mga ambassadors ng Malaysia, Singapore at Hong Kong para kunsultahin kung may kahalintulad na kaso ng pang-aabuso sa mga kababayang OFWs sa kanilang nasasakupan.

Maaalala na inirekomenda ng DFA ang pagsasampa ng kasong kriminal at terminasyon sa trabaho laban sa mga embassy at labor officials na isinasangkot sa “sex-for-flight” matapos makumpirma ang pang-aabuso sa mga kababayan.

Ayon kay Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario, kakasuhan ng sexual harrassment, molestation at trafficking ang mga opisyal na responsable sa pang-aabuso, pangmomolestya at pambubugaw sa mga Pinay.

Nabatid na natapos na ang pagbibigay ng testimonya ng tatlong OFWs na biktima ng sex-for-fly sa magkahiwalay na fact finding team ng DFA at Department of Labor and Employment (DFA) laban sa mga tiwali at mapagsamantalang embahada at opisyal.

Tumanggi pa si Del Rosario na pangalanan ang mga opisyal na nakatakdang sampahan ng kaso habang nagpapatuloy pa umano ang isinasaga¬wang parrallel investigation sa naturang kontrobersiya.

Samantala, bukod sa sex-for-fly na ibinulgar, inihayag din ng mga OFW ang ginagawang umano’y hindi magandang pagtrato ng mga embahada at opisyal sa mga nagigipit na OFWs sa mga halfway houses at shelter ng Embahada at Philippine Overseas Labor Office tulad ng pagbabawal ng paggamit ng cellphone, hindi wastong pagbibigay ng pagkain at hindi pagtanggap sa mga Pinay na tumatakbo sa kanila upang humingi ng tulong matapos silang tumakas sa mga amo dahil sa pang-aabuso at pagmamaltrato.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.