Imbestigasyon sa poll fraud, ipaubaya sa DoJ – Honasan

HINDI PABOR SI Senator Gringo Honasan sa pagsasagawa ng imbestigasyon ng Senado kaugnay ng umano’y dayaan sa halaan noong 2004 at 2007 elections.

Dapat ipaubaya na lamang ng Senado sa Department of Justice (DoJ) at Commission on Elections (Comelec) o sa korte ang usapin dahil sila ang higit na may hurisdiksyon sa kaso, ayon kay Honasan.

Hindi naiwasan ni Honasan na pasaringan ang kanyang mga kasamahang senador sa pagsasabing maaring humantong lamang sa ‘trial by publicity’ ang isasagawang pagsisiyasat.

Maaring akusahan din aniya ang mga senador na prosecutor-judge sa oras na gigisahin ang mga resource person.

Una rito, binabalak ng Senado na imbitahan ang mga testigong lumutang sa Comelec para padaluhin sa sariling imbestigasyon. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.