Imbestigasyon sa Kontrobersyal na Arms Deal, Dapat Unahin

 

IGINIIT NI Kaya Natin Movement co-founder Grace Padaca na dapat unahin ni incoming Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang imbestigasyon sa kontrobersiyal na firearms deal na kinasasangkutan ni DILG Undersecretary Rico Puno.

Sinabi ni Padaca na kailangang masiyasat ito sa harap na rin ng mga repormang sinimulan ng namayapang kalihim Jesse Robredo sa mga bidding process sa ahensiya.

Inamin din ni Padaca na batid na niya ang report tungkol sa tangkang pagpasok ng grupo ng nasabing opisyal sa condominium unit ni Robredo sa Quezon City matapos ang nangya-ring aksidente sa Masbate pero abala sila sa search operations para sa DILG secretary.

Ayon pa rin kay Padaca, ang kasalukuyang administrasyon na ang bahala kung sususpindehin o papalitan si Puno saka-ling masimulan ang pagsisiyasat sa naturang pangyayari.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.