Imbakan ng Shabu, Sinalakay sa Malabon

SINALAKAY NG pinagsanib na puwersa ng Eastern Police District (EPD) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang ginagawang imbakan ng Shabu sa Malabon City kamakalawa ng umaga.

Ayon kay Senior Supt, Antonio Gumiran, deputy chief for operation ng EPD, ang nasabing pagsakalay ay isang follow-up operation ng nasabing himpilan ng pulisya hinggil sa pagkakaaresto sa dalawang Chinese national sa Pasig City kamakailan, kung saan nakumpiska sa mga ito ang may 400 gramo ng shabu.

Sa isinagawang interogasyon sa mga naarestong Tsino, isa sa mga ito na nakilalang si Jingjan Shi ay itinuro ang kanyang inuupahang bahay na imbakan ng Shabu sa # 125-B Sisa St., Brgy. Acacia, Malabon City.

Narekober sa bahay ni Shi ang may 10 kilo ng Shabu na may katumbas na halagang P50 milyon.

Nabatid pa kay Sr. Supt. Gumiran, si Shi ay pinaniniwalaang kabilang sa malaking drug syndicate na nag-o-operate sa bansa.

Ang nasabing pagsalakay ng mga elemento ng EPD sa inuupahang bahay ni Shi ay dahil sa bisa ng search warrant na ipinalabas ng Malabon RTC.

(ROMAN MAGPOC) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.