Imahe ni San Pedro Calungsod, Dinumog sa Butuan

MULING NAPATUNAYAN na umiiral pa rin ang Katolisismo o paniniwala ng Roman Catholic sa malaking porsyento ng Butuan City nang dayuhin at pagkaguluhan ang imahe ni San Pedro Calungsod dito.

Pasado alas-3:15 ng hapon kamalawa ay unang inikot ang imahe nito sa bayan ng Kitcharao, Agusan del Norte, sunod sa Brgy. Ampayon sa Butuan City, hanggang sa Bayugan City sa lalawigan ng Agusan del Sur bago dinala sa Archdiocese of Butuan.

Nagsagawa rin ng vigil sa buong gabi at alas-3 ng madaling-araw saka nagkaroon ng misa bago ibiniyahe ang patron patungo sa bayan ng Magsaysay, lalawigan ng Misamis Oriental.

Nag-stop over muna ito sa mga simbahang Katolika sa bayan ng Buenavista, Nasipit at Carmen, lalawigan ng Agusan del Norte.

Bukod sa imahe ni San Pedro Calungsod, naging atraksyon din ang iba’t ibang produkto kung saan makikita ang imahe ng santo gaya na lamang sa maliliit na imahe ni San Pedro na mabibili sa halagang P100 pati na ang keychains, rosary at bracelet.

Ayon sa isang tindera na taga-Osamis Occidental, sinadya nila ang pagsunod sa imahe ni San Pedro dahil kikita sila rito lalo na’t karamihan sa mga deboto ng kahit na sinong mga santo, siguradong bibili sa kanilang produkto.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.