Imahe ng Sto. Niño, lumuluha ng dugo

DINARAYO NG mga tao ang isang tahanan sa Barangay Pongon, Carigara, Leyte upang masilayan ang imahe ng Santo Niño na sinasabing lumuluha ng dugo.

Ang nabanggit na imahe na Batang Hesus na gawa sa kahoy ay natagpuan ng walong taong gulang na si Onick Florence Marpa.

Sinasabing tatlong beses na nitong nakikitang lumuluha ng dugo na nangyari noong Pebrero 3, 5 at 6.

Sinabi ng lola ni Onick na kinilalang si Matilda Marpa, noong una ay hindi siya naniniwala sa sinabi ng kanyang apo pero dalawang beses na rin niyang nakita na lumuha ng dugo ang imahe ng Sto. Niño.

Kasalukuyang kinunan na ng sample na dugo ang nasabing Sto Niño na isasailalim naman sa ilang laboratory tests upang malaman kung tunay itong dugo.

Samantala, napag-alaman din na natagpuan ni Onick ang naturang imahe sa isang garahe sa loob ng kanilang compound.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.