Imahe ng Birheng Maria, Lumitaw sa Puno

LUMITAW UMANO ang imahe ni Birheng Maria sa isang puno ng palma (palm tree) sa gilid ng daan sa Hofileña Subdivision, lungsod ng Silay, Negros Occidental.

Dumami ang mga deboto sa paniniwalang makikita umano ang Birhen na nakasuot ng saya, may kulay pula sa dibdib at nakalagay ang dalawang kamay sa dibdib nito na parang nagdarasal.

Sinabi ng isa sa nakakita sa imahe na si Rey Siason na noong nakaraang Sabado umupo ito sa naturang puno ng palma nang biglang itinuro ng pamangkin nito ang imahen at nang kanya itong tingnan, kapareho ito sa imahe ng Our Lady of Manaoag.

Ayon kay Siason, nakakita rin ito ng parehong imahen sa nasabing puno noong nakaraang taon ngunit lumipat ito ng lokasyon.

Naniniwala ito na may gustong ipahiwatig ang Birheng Maria sa paglitaw ng imahe sa puno ngunit inihayag din nito na ang milagro na dala nito ay nakasalalay sa pananampalataya ng tumitingin nito.

Samantala, pansamantalang binakuran ang puno upang maiwasan ang pagsisiksikan ng mga nag-uusyoso.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.