Ima Castro, balik-‘pinas matapos mabigo sa pag-ibig sa London

NAGBALIK-‘PINAS NA PALA ang singer na si Ima Castro nu’ng June mula London kung saan s’ya nanirahan ng sampung taon. Matapos ang kanyang huling pagganap bilang Kim sa musical na Miss Saigon dito sa Manila noong 2001, tsaka naman lumipad ng London si Ima para pa rin sa nasabing sikat na musical na ginawa n’ya raw roon for four years (2001-2004).

Ang leading man n’yang Irish sa Miss Saigon na ayaw na n’yang banggitin pa ang pangalanan ang napangasawa raw ng singer-stage actress noong 2003. Nagkahiwalay nga lang daw ang dalawa noong 2007 at tuluyan nang nag-divorce noong 2009.

“Hindi ko pa alam kung ano ang ideal man ko. I thought he’s my ideal man. But I’m happy where I am at the moment,” sey ni Ima.

Hindi rin daw sila pinalad na magkaanak, dahil nagka-miscarriage daw s’ya. May asawa na raw ang ex-husband at sinusulatan s’ya every now and then, pero dine-deadma n’ya na raw ito.

Hindi alam ng marami na matalik pala silang magkaibigan ni Judy Ann Santos.

Best friends daw ang turingan nina Ima at Juday (palayaw ni Judy Ann) sa isa’t isa simula noong nagkakilala sila sa probinsya nila sa Tiaong, Quezon maraming taon na raw ang nakalipas.

Isa rin daw si Ima sa kasama ni Juday na nanood ng concert ni Kylie Minogue dito sa Manila. Treat daw ‘yon ng aktres sa kanya.

Kinumpirma ni Ima na manonood daw si Juday ng kanyang bagong musical na In The Heights by Atlantis Productions na mapapanood natin simula September 2 to 18, 2011 sa Carlos P. Romulo Auditorium ng RCBC Plaza sa Makati kung saan makakasama n’ya sina Nyoy Volante, K-La, Calvin Millado at Jackie Lou Blanco.

 

AYAW NANG MAGSALITA pa sana ni Vice Ganda tungkol sa naging issue sa kanila nina Boss Vic del Rosario at Direk GB Sampedro nu’ng kanyang huling concert para hindi na maungkat since tapos na raw iyon.

Ayon sa komedyante, sobrang okey daw sila ni Boss Vic, kahit pagkatapos nu’ng concert. Sa katunayan daw, sinabi mismo sa kanya ng Viva big boss na gusto nitong magkaroon ng repeat ang kanyang concert.

Nu’ng una diumano ay may ikinasama s’ya ng loob kay Boss Vic, pero naayos daw agad ‘yon nang matiwasay ng producer.

Si Boss Vic din daw ang kumukuha ng endorsements para sa kanya, gaya ng Globe, bukod sa pagiging producer ng kanyang concerts at mga pelikula, tulad ng hit na hit na Petrang Kabayo at ang tinatapos n’yang Private Benjamin.

Wala naman daw sinabi si Direk GB kay Vice kung bakit napabalitang sumama ang loob ng una sa huli nu’ng concert nila na dapat n’yang ihingi ng apology sa direktor. Naging maayos naman daw silang dalawa mula umpisa hanggang sa matapos ang concert.

On a lighter note, ang tatlong bagay daw na nae-enjoy ni Vice ngayon ay pera, shopping at lalaki.

Mas bet daw talaga ng Un-kabogable Star si Derek Ramsay kaysa kay Piolo Pascual, kaya lang daw ay nararamdaman n’ya agad ang kilay ni Angelica Panganiban.

Pero hindi raw magpapaka-choosy pa si Vice sa co-Globe endorser n’yang si Gerald Anderson.

 

Makinig ng Wow! Ang Showbiz! with Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday to Friday, from 11 AM-12 NN or log on to www.DWIZ882.com. Follow me on Twitter: @francissimeon. 
Franz 2 U
by Francis Simeon

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.