Iloilo Hall of Justice, Pinapaabandona na

MISMONG ANG mataas na tanggapan na ng judiciary ang nag-utos na lisanin na ng mga empleyado ang kanilang tanggapan sa Ramon Q. Avanceña Hall of Justice o ang Hall of Justice sa Iloilo.

Ito ay dahil sa pangambang mag-collapse ang apat na palapag na building kapag may kasunod pang lindol kagaya ng magnitude 6.9 noong nakaraang linggo.

Sa isinagawang imbestigasyon sa buong building, inihayag ni Engr. Manuel Autahay, building administrator ng Iloilo Hall of Justice, may malalaking bitak ang beam at girder ng naturang gusali.

Magpapadala rin ang Korte Suprema ng mga ekspertong inhinyero para sa karagdagang pag-usisa kung ligtas pa ang gusali.

Una rito, inabandona na ng regional Parole and Probation Administrative Office ang kanilang tanggapan sa ika-apat na palapag ng Iloilo Hall of Justice at lumipat sa kanilang cooperative office dahil hindi na ito ligtas para sa kanila. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.