Illegal workers sa Saudi, huhulihin na

UMPISA NA ngayong araw, aarestuhin na ng mga kinauukulan ng Saudi Arabia ang mga banyagang illegal workers sa bansa.

Ito ay dahil kahapon, Nobyembre 3 na ang huling araw sa ikalawang palugit na ibinigay ng Saudi para maiayos ang mga dokumento ng iligal na manggagawa.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesman Raul Hernandez na dalawang beses nang pinalawig ng Saudi ang deadline pero hindi pa tiyak kung ipatutupad na ang mga patakaran kaugnay ng immigration at labor regulations doon.

Layunin ng Saudization na mabigyan ng pagkaka-taon ang mga mamamayan ng Saudi na makakuha ng trabaho at mabawasan ang mga dayuhan sa kanilang lugar na ilegal namang nagtatrabaho roon.

Ayon kay Hernandez, muling nagpadala ng sulat sa Saudi ang DFA para hilingin ang muling pagpapalawig sa deadline.

Kapag hindi aniya maaprubahan ang hiling na extension, kinakailangan ng OFW na magbayad ng multa o makukulong ito.

Tuluy-tuloy naman ang pagpapauwi ng mga OFW sa bansa kung saan umaabot na ito sa kabuuang bilang na 4,420.

Mayroon namang 1,500 pang naghihintay ng kani-lang Immigration clearance bago sila makaalis sa Saudi.

Sa kabilang dako, sa huling anunsyo ng Saudi government, sinabi nitong hindi na sila magpapalawig ng amnestiya.

Samantala, sinabi ni Hattab Al-Enezi, spokesman ng Ministry of Labor na walang katotohanan ang kumakalat na balita sa posibilidad na pagpapalawig pa ng deadline para sa mga iligal na manggagawa sa Saudi.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.