Illegal Recruiter, Timbog sa Entrapment

PATUNG-PATONG NA kaso ang kinakaharap ngayon ng isang illegal recruiter makaraang maaresto sa isinagawang entrapment operation na ikinasa ng mga tauhan ng Marilao Police sa isang fastfood chain sa Brgy. Ibayo, Marilao,Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Gerry Andaya kay PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Joel Orduna, kinilala ang nadakip na suspek na si Gerwin Pandacan, 34 anyos, tubong Laguna, residente ng Brgy. Hulo, Meycauayan City; samantala ang mga biktima naman ay nakilalang sina Rainzel Balmes, 19; John Gerald Mendoza, 17, ng Brgy. Ibayo; at Guillen dela Cruz, 22, ng Brgy. Malhacan.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga pulis sa mga biktima, nagpakilala umano ang suspek na empleyado ito ng Leeyosun Manpower Service na may tanggapan sa Cubao, Quezon City. Dahil sa ganda ng kanyang paliwanag sa kanyang mga biktima, agad silang na hiningan ng halagang P1,670 na gagamitin umano sa  pagsasaayos ng kanilang mga dokumento para sa inaplayan nilang mga trabaho.

Nabatid na makalipas ang ilang minuto, agad inalam ng isa sa mga biktima ang transaksyon ng suspek kung saan natuklasan nila na hindi ito konektado sa nabangit na ahensya, na agad namang ipinaalam sa mga pulis ang transaksyong iligal ng suspek.

Nakipagkasundo ang mga biktima na ibibigay ang hinihingi nitong pera, lingid sa kaalam ng suspek na nakakasa na ang entrapment operation laban sa kanya.

Ayon sa mga biktima, ayaw na nilang madamay pa ang ilan nilang mga kababayan kaya agad nilang ipinaalam sa pulis ang raket ng suspek sa kanilang bayan, kung saan agad naman itong nadakip sa tulong na rin ang isang security guard ng isang mall sa nabanggit na lugar.

(TONY DELA PEÑA)   

 

loading...

6 thoughts on “Illegal Recruiter, Timbog sa Entrapment

  1. Maraming nagpapanggap na Leeyosun Manpower Services dahil sa lisensya na meron sila. Maraming loko-loko sa Cubao pero ang LMS ay hindi nangdugas kailanman. Tinutulungan lang nila ang mga aplikante na magkaroon ng maayos at marangal na trabaho.

  2. Meron na naman ata silang agency kuno malapit sa Gateway, nang hihingi sila sa 100 pesos sa bawat madadampot nilang gustong gusto makapag trabaho.

Leave a Reply

Your email address will not be published.