Illegal Recruiter na Hapon, Nalambat

NAHAHARAP NGAYON sa Large Scale Illegal Recruitment at Estafa ang isang Japanese national matapos madakip sa isinagawang entrapment operation ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Team sa Brgy. Poblacion, Marilao, Bulacan kamakalawa ng  tanghali.

Sa ulat na ipinadala ni P/C Inspector Monico Cadayona kay CIDU-Region III Regional Director P/S Supt. Rudy Lacadin, kinilala ang nadakip na suspek na si Toyohide Nagai, 63 anyos, residente sa nabanggit na barangay.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ni SPO3 Prisco Bello, dakong alas-12:20 ng tanghali nang isagawa ang entrapment, makaraang makipagkasundo ang isa sa kanyang mga naging biktima na magbibigay ito ng pera para sa paglalakad ng kanilang papel para sa pagtatrabaho sa Japan.

Ayon sa biktimang si Lyn Palad, 22 anyos, isa sa 11 biktima ng recruiter na Hapon, pinangakuan umano sila ng magandang  trabaho bilang mga entertainer sa nabanggit na bansa.

Tinatayang mahigit sa P167K ang natangay ng suspek sa 11 nitong biktima mula sa Pampanga, Bulacan, Rizal at Quezon City, kabilang ang Valenzuela at Malabon.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.