Illegal Logging sa Kalinga, Pinaiimbestigahan

NAIS NI KALINGA Rep. Manuel Agyao, kasama ang iba’t ibang ecological at environmental group sa probinsita na magkaroon ng masusing imbestigasyon sa umano’y operasyon ng illegal logging na kumakalbo sa kanilang kagubatan.

Nitong nakaraang linggo, nadiskubre ng mga militiamen mula sa Philippine Army-attached Civilian Armed Auxiliaries (CAA) na may nakalusot na mga troso sa ilang military checkpoints at hindi umano nalaman ng mga lokal na kapulisan.

Hindi bababa sa 268 piraso ng Narra tinatayang aabot sa 3,000 board feet ang nasabat sa Calanan, Tabuk City ng mga militiamen matapos na makatanggap ng tip mula sa mga environmentalist na sa kanila ibinigay ang impormasyon, sa halip sa mga pulis at militar.

Dahil ito, hiniling ni Rep. Agyao na masibak sa puwesto ang mga pulis at opisyal ng militar na sangkot sa “pagkakalbo ng mga kagubatan sa Kalinga.

Sinisisi rin ni Agyao ang ilang tauhan ng Department of Environment and Natural Resources sa pakikipagsabwatan umano ng mga ito sa illegal loggers. “They must be investigated,” aniya.

Kinumpirma rin ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa Kalinga ang nasabat na mga troso ng Narra.

Sinasabing isang illegal logging ring-leader na may malakas na kuneksiyon ang nasa likod ng nasabing operasyon, kung kaya’t nananatili itong ‘untouchable’.

(Parazzi Reportorial Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.