Illegal Bookies, Tuloy pa rin sa Maynila

INUTIL AT walang silbi ang tanggapan ni Manila Mayor Alfredo Lim laban sa mga nagkalat na illegal bookies (horse racing) kaya nagkalat ang mga holdaper at snatcher sanhi ng labis na pagkagumon sa nasabing sugal.

Bukod sa mga nagkalat na masasamang elemento, maraming pamilya ang nasisira dahil din sa pagkagumon sa nabanggit na bisyo.

Ayon sa isang ayaw magpakilalang pastor na taga-Pritil, Tondo, Manila, salot ang operasyon ng pa-bookies ni Pandete (Tisay) na matatagpuan sa # 440 Herbosa St., Tondo, Manila.

Itinuturing ding salot ang pa-bookies ni Boy Abang na makikita sa kahabaan ng Sta. Fe St., Tondo, Brgy. 118, District 1; ang pa-bookies ni Sarhento Jojie Marcelo na matatagpuan sa Barrio Obrero, Tondo, Manila; gayundin ang pa-bookies ni Barangay Kagawad Junior Sastre Malonzo ng Brgy. 83, District 1, Manila.

Ang mga nasabing pa-bookies ay hayagan ang operasyon at nagkalat naman ang mga nagpapataya sa kanilang mga mananaya kahit may nakaunipormeng pulis na gumagala sa lansangan.

“Kaya tuloy nababastos ang mga alagad ng batas, nakikita nang personal ang mga iligal na sugal ay hindi man lamang gumagawa ng  aksiyon dahil lagot sila sa kanilang hepe na tumatanggap ng “tarya” sa mga gambling lord,” wika pa ng pastor.

Dagdag pa ng pastor, kung hindi bibigyan ng kaukulang atensiyon nina Mayor Lim at hepe ng Manila Police District para masugpo ang mga illegal bookies ay lalong dadami ang mga masasamang loob na gumon sa nasabing sugal.

Dadami rin umano ang mag-asawang ma-wawasak ang relasyon dahil na rin sa pag-kagumon sa pagtaya sa karera ng kabayo.

(ROMAN MAGPOC) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.