Iligal sa Malabon, kontrolado ni ‘triple one’

LUBHANG TANYAG ANG binansagang “Triple One” sa lungsod ng Malabon dahil bukambibig umano ito ng mga nadidismayang residente.

Ayon sa mga residente, nadidismaya sila dahil saan mang panig sa kanilang lungsod ay makikita ang mga kubrador ng Jueteng, mga videro karera machine, mga lamesa ng sakla at mga tupadahan.

Kahit na nakikita ng mga pulis ang mga diumanong naglipanang kubrador ng Jueteng at saklaan ni Gani Cupcupin, mga video karera machine ni Boboy Go, isang pulis-Maynila, lotteng, EZ-2 at ending ni Boy Edmond ay pikit-matang tinatalikuran na lamang ito ng mga pulis.

Ayon naman sa ilang police insider ng Malabon, kapag nakialam ang kapulisan sa operasyon ng sugalan ay mananagot ang mga ito kay Triple One.

“Tiyak sa kangkungan pupulutin ang sinumang pulis, maging ito ay si Malabon Police Chief Sr. Supt. Cornelio Barios, kapag may magrereklamong mga gambling lord na sila ay hinuli,” sabi pa ng police insider.

Idinagdag pa ng mga residente, marami nang pera si Triple One, pero bakit pa ito pumapatol sa iligal na sugalan? Dahil ba ito ay may pinaghahandaan o dahil ba ito ay may direktang koneksiyon sa Malacanang?

Tiniyak ng mga residente na sa darating na eleksiyon sa 2013, hindi na nila susuportahan ang kandidatura ng anak ni Triple One dahil sa lumalalang operasyon ng mga iligal na sugalan sa Malabon.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.