Iligal na Sugal sa MM, Protektado ng Ilang Pulis-DILG

MALA-KABUTENG NAGKALAT ang iba’t ibang uri ng sugal sa iba’t ibang lugar sa Kalakhang Maynila gayundin sa nasasakupang ng Eastern Police District (EPD) at sa Northern Police District (NPD)na umano ay pinoprotekisyunan ng ilang pulis na nakatalaga sa Department  of Interior and Local Government (DILG) kapalit ng lingguhang payola.

Ayon sa impormasyon, sina PO3 Jerry Villaluz at SPO1 Robert Chua, na pawang nakatalaga sa DILG ang tagakuha diumano ng lingguhang payola mula sa mga gambling lord na nakabase sa Kamaynilaan na nakilalang sina Apeng Sy, Pacia, Erland at Gina.

Diumano, si Apeng Sy ay nagbibigay ng payola sa nasabing mga pulis ng halagang P8,000; si Pacia ay naghahatag ng P6,000; si Erland ay P10,000; at si Gina ay nagbibigay ng P3,000 kada linggo kapalit ng proteksiyon.

Sa parte naman ng Eastern, sina PO2 Marlon Servillion at PO3 Larry Javier ang kumukulekta umano ng lingguhang payola sa mga gambling lord na sina Pinong na naghahatag ng halagang P7000; Cris, P10,000; at Laarni, P5,000.

Ayon pa sa impormante, ang apat na nasabing pulis ang siyang kumukuha umano ng payola sa mga gambling lord sa CAMANAVA area partikular sa hari ng bookies na si Danny “Kamote” Istanislao.

Ayon kay DILG Secretary Jesse Robredo, ayaw niyang ginagamit ang kanyang tanggapan sa pangungulekta ng “tong” sa lahat ng mga iligal na transaksiyon.

Idinagdag pa ni Robredo na kanyang sisibakin ang sinuman niyang tauhan na masasangkot sa payola at mga katiwalian.

(ROMAN MAGPOC)

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.