ILIGAL NA SUGAL SA LAGUNA, TALAMAK

KASALUKUYANG INIHAHANDA NG ilang opisyal sa iba’t ibang bayan ng Laguna ang kanilang sulat papunta kay Department of Interior and Local Governments (DILG) Secretary Jesse Robredo kaugnay sa laganap na ngayong operasyon ng iligal na sugal sa kanilang mga bayan.

Ayon sa Vice Mayor ng isang bayan sa lalawigang ito, pansamantalang ayaw ipabanggit ang pangalan, pati sila ay nadadamay na umano dahil sila man ay pinaghihinalaan na ring patong kung bakit wala na talagang pakundangan ngayon ang operasyon ng nasabing iligal na sugal o Jueteng.

Partikular na binanggit ng source ang Jueteng sa San Pedro, Biñan at Sta Rosa na pinatatakbo umano ng isang Edwin Olaza at sa Mayapa naman ay isang Vic Siman at Dante Alvarez.

Idinagdag pa ng nasabing pangalawang alkalde na hindi sila naniniwala na walang basbas ng PNP Provincial Director ang operasyong ito dahil makailang ulit na umano nila itong idinudulog sa Provincial Command pero wala namang ginagawang hakbang ang mga ito.

Ayon sa source, ikinukunsidera rin ni-lang padalhan ng kanilang inihahandang sulat ang tanggapan ni PNP Chief Director General Raul Bacalzo upang alamin kung hanggang ngayon ay epektibo pa ba ang kanyang “one-strike policy” sa sugal. (Parazzi Investigative Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.