ILIGAL NA JUETENG SA ISABELA TALAMAK

TALAMAK ANG OPERASYON ng iligal na sugal na Jueteng sa lalawigan ng Isabela na umano’y ipinatutupad ng mga maimpluwensiyang gambling lord  na sina Tony S at Jojo C, pawang mga bata umano nina Mayor Navarro at Mayor Pol D. ng Alicia, Isabela na pinagmamalaking binibigyan daw sila ng proteksiyon ng mga opisyal ng kapulisan kapalit ang malaking payola. Ito ang napag-alaman sa iba’t ibang samahan ng non-government organization (NGO) at mga residente sa nabanggit na probinsiya.

Hindi raw umano takot sa direktiba ni PNP Chief PC/Supt. Bacalzo si PNP-Region 2 Regional Director PC/Supt. Loreto Pineli sa one-strike policy, kaya siya raw ang nagbibigay ng proteksiyon sa mga kapitalistang nabanggit sa lalawigan ng Isabela. Ito raw umano ang ipinanga-ngalandakang pangalan na nagbibigay ng proteksiyon sa kanilang pasugalan.
Nananawagan ang mga taong bayan sa nabanggit na lalawigan kay General Bacalzo na kung talagang hindi totoong may natatanggap siyang payola na nagmumula kina Tony, Jojo at Mayor D. sa Isabela, ilagay sa one-strike policy si Pineli upang masibak sa puwesto nito at ipatigil ang nabanggit na mga iligal na pasugalan.
Ganu’n din daw umano sa mga hepe ng pulisya sa nabanggit na lalawigan na kailangan ding ilagay sa one-strike policy dahil sila rin ang ipinagmamalaki ng mga nabanggit na gambling lord na nagbibigay ng proteksiyon upang mananatiling tuluy-tuloy ang kanilang operasyon ng iligal na pasugalan.

Nabatid pa sa mga ito na malakas daw ang kanilang impluwensiya kay Bacalzo at kay Pineli kaya wala raw sinumang makapagpapa-hinto ng kanilang operasyon ng iligal na sugal na jueteng sa lalawigan ng Isabela.
Nabatid pa na bukod sa talamak na jueteng sa nabanggit na probinsiya, lantaran din ang operasyon ng iligal na sugal na video karera at hataw na sumisira sa kinabukasan ng mga estudyanteng nalululong sa nabanggit na sugal.
Napag-alaman pa na malaki rin daw umano ang ibinibigay ng mga operator ng video ka-rera at hataw na payola kada linggo kay Pineli kapalit ang pagbibigay sa kanila ng proteksiyon upang hindi sila hulihin ng mga pulis sa kanilang iligal na hanapbuhay.

Maging ang alkalde sa na-sabing lugar ay sinasabi rin umano ng mga operator ng mga iligal na pasugalan na binigyan na daw sila ng permit na mag-opereyt ng mga pasugalan, kapalit din daw umano ang linggo-linggong salapi bilang payola sa kanya upang hindi sila pagbawalan, kahit nakasisira pa sa magandang imahe ng kanilang lugar.

(PARAZZI INVESTIGATIVE TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.