Iligal na Droga, Narekober sa Inn sa La Union

ISINUKO NG isang caretaker ang mga iligal na droga na kanyang nadiskubre sa loob ng pinagtatrabahuan nitong inn sa pulisya sa lungsod ng San Fernando, La Union.

Base sa ulat na nakalap ng mga awtoridad ng San Fernando City Police Station, bitbit at dinala sa himlipan ng naturang caretaker na si Zenaida Rivera, 37, residente ng Barangay Casilagan, bayan ng San Juan sa lalawigan ang isang bag na may lamang isang sachet ng umano’y shabu at marijuana na nakabalot pa sa isang papel, mga drug paraphernalia at iba pang gamit.

Samantala, nabatid na ang mga isinukong bagay ay pag-aari uma-no ng isang Donald Nilmida na nanuluyan sa nasabing inn bago ito mahuli sa buy bust operation ng mga kinauukulan sa lungsod.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.