Ilang U-turn slots, isasara ng MMDA

INAASAHAN NA babatikusin ng mga motorista ang plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pagbubuwag ng ilang ginagamit na mga “U-turn slots” sa ilang pangunahing lansangan sa Kamaynilaan.

Base sa advisory na inilabas ng MMDA, uumpisahan ang pagtanggal sa mga “u-turn slots” sa darating na mga araw sa patuloy na paghahanap umano ng solusyon sa pagpapaluwag sa daloy ng trapiko.

Kabilang dito ang u-turn slot sa Quezon Avenue sa pagitan ng Examiner at Scout Borromeo na permanente nang isasara.

Tatanggalin din sa pagitan ng alas-4 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi ang u-turn slot sa may C-5 Eastwood; at C-5 – Katipunan-Boni Serrano u-turn slot tuwing alas-7 hanggang alas-10 ng umaga.

Samantala, aminado naman ang MMDA na maaaring bumuhos ng sari-saring reklamo ang mga mo¬to-rista na nakasanayan nang gumamit ng nasabing mga u-turn slot ngunit kailangan umanong gawin ito dahil sa ito nakikitang paraan para mapabilis ang daloy ng trapiko.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.