Ilang Senatorial Hopefuls, Naging Ma-Drama sa Hearing

NAGING EMOSYUNAL at tila naging ma-drama ang ilang senatorial hopefuls sa paggisa sa kanila ng mga opisyal ng Comelec kahapon.

Ito kasi ang isa sa magiging batayan ng poll body kung papayagan silang makibahagi sa eleksyon o idedeklara sila bilang nuisance candidate.

Kahapon, 42 naghain ng certificate of candidacy (CoC) ang naka-schedule para sa hearing.

Ilan sa mga hopefuls ang tumakbo na sa mga nakaraang eleksyon, mula sa lokal hanggang presidential post ngunit hindi napahihintulutan.

Kabilang naman sa mga nanindigan sa kanyang karapatang makatakbo sa halalan ay si Elizabeth Capular na isang independent.

Sa kanyang pag-harap sa commission en banc ay kinuwestiyun pa nito ang Comelec sa pagdedeklara sa kaniya bilang nuisance sa mga nakaraang eleksyon.

Samantala, nagyong araw ay may panibagong batch na naman ng mga senatorial hopefuls ang sasalang sa hearing.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.