Ilang Senatorial Candidates, Milyon ang Kinita sa Eleksyon

KUMITA PA ng milyon ang ilang kandidato sa pagka-senador sa nakalipas na 2013 midterm elections base sa kanilang isinumiteng statement of contributions and expenditures (SOCE).

Mula sa 30 kandidato sa pagka-senador, ibinahagi ng Commission on Elections (Comelec) sa media ang

kopya ng SOCE ng 15 sa mga ito.

Lumalabas na kumita ang UNA senatorial bet na si Nancy Binay ng P8 milyon mula sa campaign contributions na tinanggap nito.

Mula sa kabuuang P136,869,398.78 contributions na tinanggap ni Binay, P128,695,057.10 lang ang ginastos nito para sa kampanya.

Si Bam Aquino naman ng Team PNoy ay kumita ng P1.1 milyon. P125,493,000.00 ang kabuuang contribution na tinanggap nito ngunit P124,327,987.81 lang ang ginastos sa kampanya.

Kahit natalo sa eleksyon, kumita rin ang independent candidate na si Ramon Montaño mula sa tinanggap nitong contributions.

Base sa SOCE ni Montaño, kumita pa ito ng P5 milyon dahil P1,383,000.00 lang nagastos nito sa kampanya gayong tumanggap ito ng kabuuang P6,629,175.00 na kontribusyon.

Kapansin-pansin din ang mahigit P39 milyon na ginastos ni Jamby Madrigal gayong lumalabas na wala itong tinanggap na kontribusyon.

Wala ring tinanggap na kontribusyon sina Samson Alcantara, Ricardo Penson at Christian Señeres. Gayunpaman, gumastos si Penson ng P19,698,760.45, P344,459.07 naman si Alcantara at P338,205.24 si Señeres.

Samantala, gumastos din si Cynthia Villar ng P133,979,127.25 sa kampanya kahit P2,613,454.41 lang ang tinanggap nitong kontribusyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.