Ilang Pinoy na Bihag ng mga Pirata sa Nigeria, Pinalaya Na

PINALAYA NA NG mga pirata ang oil tanker na MT Halifax na hinijack noong nakaraang linggo sa karagatan ng Port Harcourt sa Niger Delta. Ito ay kinumpirma mismo ng mga Nigerian officials.

“The vessel is presently being escorted to Port Harcourt harbour by Nigerian Navy Patrol Team,” ayon sa pahayag ng tagapagsalita ng Nigerian Maritime Administration. “Part of the cargo was siphoned.”

Kabilang sa mga naging bihag ng West African pirates ay mga Pinoy at Indian habang ang kapitan ay isang Italyano.

Sinasabing ang langis na karga ng barko ang habol ng mga pirata. Napag-alaman na talamak din ang hijacking sa West Africa subalit hindi ransom ang habol ng mga pirata kundi ang langis na kanila namang ibinebenta.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.