Ilang PCG at BFAR Officials, Kakasuhan sa Pagkamatay ng Mangingisdang Taiwanese – De Lima

KINUMPIRMA NI Justice Secretary Leila de Lima ang pagsasampa ng kaso sa ilang opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kaugnay ng pagkamatay ng mangingisdangTaiwanese noong Mayo 9.

Ito ang unang pagkakataon na inamin sa media ni De Lima ang report ng pagkakaso mula nang maisumite ang rekomendasyon kay Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Sa ngayon, nasa Madrid si De Lima para dumalo sa 5th World Congress Against Death Penalty at Diplomatic Reception kamakailan ng Philippine Embassy bi-lang paggunita ng Philippine Independence Day.

Tumanggi munang isiwalat ni De Lima kung anong kasong kriminal ang isasampa at kung sinu-sino ang mananagot.

Maliban sa kasong kriminal, sasampahan din ang iba ng administrative cases na posibleng pagkakasibak sa serbisyo.

Sa pagsampa ng nasabing kaso, aminado si De Lima na mayroong security breach o bulilyaso sa rules of engagement ng coast guard.

Pero tiniyak ni De Lima na ang findings ng NBI ay walang pressure mula sa hanay ng mga Taiwanese na gumawa rin ng hiwalay na pagisisyasat.

Nakatakdang aksyunan ng Palasyo ang rekomendasyon ng NBI anumang araw.

Samantala, una nang humihingi ng kopya ng NBI report ang Taiwan matapos ang report na natapos na nito ang kanilang pagsisiyasat.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.