Ilang OFW’s, Nagbe-benta ng Dugo

PATULOY PA rin ang pagbebenta ng dugo ng ilang overseas Filipino workers (OFW) sa Middle East para lamang kumita ng karagdagang pera at makapagpadala ng kanilang remittances sa bansa.

Ayon kay John Monterona ng Migrante sa Middle East, napipilitan lamang ang mga OFW’s na magbenta ng dugo dahil sa kakulangan ng kanilang kinikita.

Tinatayang aabot umano sa P5,000 hanggang P6,000 ang halaga ng mga dugo na kanilang ibinebenta.

Karamihan sa mga ito na nagbebenta ng dugo ay mga undocumented OFWs, mga domestic helpers at construction workers.

Maaalala na sa bagong House Resolution number 2542, na inihain ni Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez at Abante Mindanao Party-list Representative Maximo Rodriguez Junior, pinasisiyasat nila ang nagaganap na bentahan ng dugo ng ating mga kababayan sa Middle East.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.