Ilang obispo, Gagawin ang Lahat ng Paraan Para Maharang ang RH Bill

HINDI PA rin nawawalan ng pag-asa ang mga obispo na mahaharang ang pagpasa ng Reproductive Health (RH) Bill sa kabila ng pagpabor ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Kailangan umano ng mataimtim na pagdarasal at pag-ayuno sa mga susunod na araw upang huwag bomoto ang mga mambabatas pabor sa panukala, ayon kay Antipolo Bishop Gabriel Reyes, chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Family and Life (CBCP-ECFL).

Ang lakas naman ng text messaging ang ginagamit ni Kidapawan Bishop Romulo de la Cruz, para umapela sa mga kaibigan na kumbinsihin ang mga kongresista na huwag ipasa ang RH Bill.

Samantala, nilinaw naman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP na hindi maglalabas ang Simbahang Katolika ng pangalan ng mga kandidato na dapat iboto sa 2013 midterm election.

Sinabi ni CBCP President Cebu Archbishop Jose Palma na ang tanging magagawa ng CBCP ay maglabas ng mga guidelines o voters guide kung anu-ano ang mga katangian ng isang kandidato na dapat iboto ng mga mamamayan.

Naninindigan din naman si Archbishop Palma na walang tinatawag na “Catholic vote” na kaya’t hindi maaasahan ang paglalabas ng CBCP ng pangalan ng mga pulitikong hindi dapat iboto at ieendorso ng simbahan sa darating na halalan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Ilang obispo, Gagawin ang Lahat ng Paraan Para Maharang ang RH Bill

  1. Leche tong mga jakulero na to. Akala mo kung sinong mga santo! Panigurado yung mga iba dyan, nakabuntis at pinilit ipalaglag. Yung iba naman anti-RH kasi iniinom nila yung katas! Mga ipokrito!

Leave a Reply

Your email address will not be published.