Ilang Obispo, binisita si CGMA

BINISITA NG ilang obispo si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City.

Dakong alas-10:40 kahapon ng umaga nang dumating ang isang sasakyang may special plate na RBV 99 sa pagamutan kung saan nakadetine ang dating lider ng bansa.

Sinasabing si Nueva Vizcaya Bishop Ramon B. Villena ang dumating dahil ayon kay Atty. Raul Lambino, chief of staff ni Ginang Arroyo, ay kasama ito sa mga bibisita para mag-misa.

Bukod kay Villena, kabilang din sa mga inasahan ni CGMA  ay sina retired Tuguegarao Archbishop Diosdado Talamayan, San Fernando, La Union Bishop Rodolfo Beltran; at Lucena Bishop Emilio Marquez.

Una nang inihayag ni Lambino na alas-11:00 ng umaga itinakda ang misa para sa patuloy na pagrekober ng dating pangulo at paglabas ng katotohanan sa mga kasong kinakaharap nito.

Kabilang sa mga personalidad na bumisita na rin kay CGMA ay sina dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada, da-

ting Lingayen Dagupan Archbishop Oscar Cruz at dating unang ginang at kasalukuyang Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.