Ilang Miyembro ng Media, Nakinabang Din Kay Napoles

MALIBAN SA mga pulitiko at kasapi ng Simbahan, nakinabang din umano sa pork barrel scam ang ilang miyembro ng media.

Sinabi ni Atty. Levito Baligod na masyadong malalim at malawak ang mga koneksyon ni Janet Lim-Napoles kung kaya’t tumagal ang operasyon nito.

Ang nasabing negosyante ang itinuturong isa sa mga nasa likod sa maanomalyang paggamit ng mga Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga senador at kongresista.

Ayon pa sa abogado, hindi na kailangan ang testimoniya ni Napoles para madiin ang mga sangkot na mga mambabatas sa PDAF scam.

Maliban aniya sa testimoniya ng mga whistleblowers, natukoy na rin umano nila ang “paper trail” na mag-uugnay kay Napoles at mga mambabatas.

Samantala, maging ang mga bank account numbers umano ng mga pulitiko ay hawak na rin nila bilang patunay na tumanggap ang mga ito ng kickbacks mula sa tinaguriang reyna ng naturang scam.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.