Ilang mga residente sa CDO, inatake ng pneumonia

CAGAYAN DE ORO City – Maraming residente ang dinala sa J.R. Borja Memorial City Hospital sa lungsod ng Cagayan de Oro dahil sa inatake ng sakit na pneumonia.

Mahigpit nilang mino-monitor ngayon ang nasabing sakit lalo na nitong panahon ng tag-ulan, ayon kay Kagawad Dante Pajo, chairman sa committee on health ng Cagayan de Oro City.

Nauna nang naiulat na umaabot na sa 18 katao ang tinamaan umano ng pneumonia, subalit wala namang naitalang nasawi.

Mababa lang ang nasabing bilang ng mga pasyente na nagkaroon ng nasabing sakit, ayon naman sa pahayag ni Dr. Ignacio Moreno ng Provincial Health Office ng Misamis Oriental.

Sa kabila nito, nananatiling nakabantay ang kanilang tanggapan lalo na at may mga panibagong pas-yente umano ang kanilang naitala. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.