Ilang members ng sikat na dance group, totoong pa-booking?!

SA SOBRANG TUWA ni Kris Bernal, naiyak ito habang naglalakad patungong presidential table kung saan naroroon ang lahat ng cast members ng All My Life, ang bagong serye na pagsasamahan nila ni Aljur Abrenica.
“Tears of joy iyan. Hindi siya marahil makapaniwala na totoo na ang lahat ng ito,” ang tsika ni Direk Mac Alejandre nang mapadaan sa tapat namin ang bagong tambalan na susugalan ng GMA 7.
Yes, sina Kris at Aljur na nga ang pinakabagong love team na magbibidang muli sa mas inagahan na nilang primetime.
Hindi man nila direktang sinabi pero parang ang dalawa nga ang sinasabing huhubugin nila para ipantapat sa malakas na tandem nina Kim Chiu at Gerald Anderson ng ABS-CBN.
May hatak at kilig ang tambalan ng dalawa. Naniniwala nga si Direk Mac at mga kasama nila sa soap na ito nga ang puhunan nila para magtagal at mas tangkilikin sila ng kanilang supporters.
At para bigyan nga kami ng ebidensiya, sinampolan nga kami ng isang matinding kissing scene nila na halos umabot ng dalawang minuto, as if talagang there’s more than to love team in them.
Well, gaya nga ng mga ibang nagtagumpay na rin in the past, may mga sandali talagang nagiging totoo ang lahat. At sa kaso nila Kris at Aljur, obvious na, at ‘wag nang magtanong pa.

SPEAKING OF THE said new soap na magsisimula ng bagong pinaagang primetime ng Kapuso network, ang kakaibang casting nito ang isa sa tingin namin ay panghakot ng soap.
Gelli de Belen, Zoren Legaspi, Manilyn Reynes, Jay Manalo at Lani Mercado, ang ilan lamang sa mga prominenteng magdadala ng soap. Bago ang timpla, may ibang twist ang kuwento at siyempre pa, mamumuhunan nga sa tambalang Kris-Aljur.
Bihirang lumabas sa soap si Gelli kaya’t sinisiguro niyang ‘worth it’ ang lahat for her. Iyan din ang tinuran ni Jay Manalo na naniniwala na rin na baka nga anak niya sa totoong buhay si Aljur sa dami raw ng mga nagsasabing malaki talaga ang pagkakahawig nila.
Na-impress naman kami sa mga drama moments ni Zoren sa teaser kaya nasabi nga naming, finally ay gumaling na ito bilang aktor.
Of course, nandiyan ang mga Moms na sina Lani at Manilyn, na kagaya nina Gelli ay hindi basta-basta napapanood sa mga soaps na hindi nila naipagmamalaki.

GAANO KAYA KATOTOO
ang balitang mayroon daw ilang members ng isang sikat na dance group na rumarampa sa ilang mga sosyal na lugar hindi para mag-emote lang kundi para i-meet ang kanilang mga mayayamang kliyente?
Medyo na-shock kami sa tsikang ito dahil kung tutuusin, parang imposibleng mangyari ang ganito lalo pa’t kilala ang grupo at sa tingin naman namin ay well-compensated sa kanilang mga trabaho bilang dancers?
Pero nag-swear ang aming source na talagang ‘for booking’ daw ang ilan sa mga ito dahil may mga mismong kliyente na nagkukuwento.
Nakakaloka ang identities ng ilan pero aalamin pa po namin ang ilang detalye on this. Medyo nakakawindang lang dahil ‘front’ lang pala ng mga ito ang TV para daw maka-attract ng matitinding clients na in fairness ay kayang magbayad ng daan-daang libong piso. Yes, you’re reading it right, ganu’n daw po diumano ang kalakaran ng ‘TF” nila. As in…

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.