Ilang Kandidato, May Pakontes Din sa FB at Twitter

HINDI LANG si dating senador at Liberal Party (LP) senatorial candidate Jamby Madrigal ang may pa-contest sa social networking sites tulad ng Facebook at Twitter.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) spokesperson Atty. James Jimenez, maraming kandidato na ginawang istratehiya ang pa-contest at pamimigay ng mga premyo sa mga networking site.

Gayunman, tanging ang pa-contest ni Madrigal lang ang umugong dahil sa magarbong papremyo tulad ng iPad.

Tumanggi naman si Jimenez na pangalanan ang mga nasabing kandidato.

Sinabi pa ng poll official na mino-monitor nila ito at sa oras na makitaan ng paglabag sa election laws ay bibigyan nila ng kaukulang aksyon.

Samantala, kinokondena ni Jimenez ang mga istratehiya ng mga kandidato na tila binibili na ang boto ng mga mamamayan.

Malinaw na paglabag sa batas ang vote buying at may karampatang parusa ito, dagdag pa ng opisyal.

Gayunman, aminado rin si Jimenez na wala pang opisyal na guidelines hinggil sa vote buying sa online community at uumpisahan na ng Comelec ang pagtatakda nito.

Dahil sa walang malinaw na regulasyon hinggil sa online vote buying, si-nabi ni Jimenez na patuloy pa rin ang pagsusuri kung may nilabag na batas ang pa-contest ni Madrigal kahit pa tinanggal na niya ito at  humingi ng apology.

Samantala, umaasa ang Comelec na magsilbi sanang halimbawa ang kaso ni Madrigal sa iba pang mga tatakbo para sa midterm elections.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.