Ilang Grupo, Dismayado sa Takbo ng Maguindanao Massacre Case

DISMAYADO ANG ilang grupo sa patuloy na operasyon ng private armed groups (PAGs) na dahilan ng karumal-dumal na Maguindanao Massacre.

Pinuna ng Human Rights Watch ang patuloy na operasyon ng PAGs sa bansa. Dagdag ni Brad Adams, Asia director ng Human Rights Watch, bigo ang gob-yerno na mahuli ang 100 katao na suspek sa massacre ng 58 katao, kabilang dito ang higit 30 media.

Magtatatlong taon na ang Maguindanao Massacre ngayong araw, Nobyembre 23, ngunit 99 pa lamang sa 197 ang nahuhuli sa mga suspek kung saan 81 ang nasampahan ng kaso.

Hamon ng grupo kay Pangulong Aquino, na agarang kumilos upang mabigyan ng kataru-ngan ang mga biktima at ‘di na maulit ang ganitong pangyayari.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.