Ilang Diplomatic Posts sa Asya, Absuwelto sa ‘Sex-For-Flight’ Scandal

INABSUWELTO NA ng Department of Foreign Affairs ang ilang Philippine mission sa Asya sa “sex-for-fly” scandal ng Philippine consular at embassy officials sa Gitnang Silangan.

Ayon kay DFA spokesman Raul Hernandez, natapos na ng ahensiya ang fact-finding consultation sa mga envoy sa Singapore, Malaysia at Hong Kong.

Wala aniyang nai-report na pang-aabusong sekswal laban sa mga distressed OFWs sa naturang diplomatic posts na kagagawan ng mga consulate officials.

Sinabi pa ni Hernandez na lumalabas na “protective” ang mga shelter sa nasabing bansa sa mga kinukupkop na OFWs na naghihintay ng repatriation pabalik sa bansa.

Napag-alaman na pinauwi ng DFA ang mga envoys mula Malaysia, Hong Kong at Singapore bilang bahagi ng ginagawang pagsisiyasat sa alegasyon ng sexual exploitation laban sa OFWs.

Samantala, sinabi naman ni Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario na base sa inisyal nilang pagsisiyasat, nakumpirma ang ilang kaso ng sexual harassment, pangmomolestiya at “abuse of authority” ng mga Philippine consular official sa Gitnang Silangan.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Ilang Diplomatic Posts sa Asya, Absuwelto sa ‘Sex-For-Flight’ Scandal

Leave a Reply

Your email address will not be published.