Ilang ari-arian sa Amerika, hindi kay Corona

POSIBLE UMANONG kapangalan lamang ng chief justice ang “Renato C. Corona” na umano’y nagmamay-ari ng ilang properties sa Amerika.

Una rito, lumabas sa isang blog article ang nasabing pangalan na umano’y may-ari ng dalawang bahay, isa sa Mountain View, California, at isa sa Tampa, Florida.

Pero sa isang mensahe, hayagang itinanggi ni defense lawyer Tranquil Salvador III ang nabanggit na ulat.

Ayon sa abogado, posible umanong kapangalan lamang ni Chief Justice Renato Corona ang may-ari ng nasabing mga real estate properties.

Kaugnay nito, ayon pa rin kay Atty. Salvador, tapos na umano ang presentasyon ng kanilang panig kaugnay sa isyu ng mga ari-arian ng punong mahistrado na kinuwestyon sa articles of impeachment.

Bago pa man nag-break ang trial, isinalang ng depensa si dating Manila City Mayor Lito Atienza na nagpatunay sa nangyaring bentahan ng lupa sa pagitan ng Basa -Guidote Enterprise Inc. (BGEI), ang kumpanyang pag-aari ni Mrs. Cristina Corona at ng city government.

Sa pagbabalik ng impeachment trial sa buwan ng Mayo, sisimulan naman ng depensa ang paglalatag ng mga ebidensiya kaugnay sa mga bank accounts ng kanilang kliyente.

Tinatayang tatagal pa ng tatlong linggo ang kanilang presentasyon ng mga ebidensiya, dagdag pa ni Salvador. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.