Ilang araw nang ‘di kinakausap ang GF
Billy Crawford, nagselos sa mainit na eksena nina Nikki Gil at Patrick Garcia sa serye?!

NAGING USAP-USAPAN ang mahusay na pagkakaganap niNa Patrick Garcia at Nikki Gil sa pilot episode ng Apoy Sa Dagat sa mga ginampanang karakter. Bukod sa matured ang role ng aktres dito, bilang isang bayarang babae, marami ang nagulat sa suggestive na love scene ng dalawa, na ayon nga kay Nikki ay mahusay na naitawid ng direktor kahit ‘di sila nagpakita ng kahit na ano.

Hindi man sexy talaga na masasabi ang mga eksena, may balitang lumabas na pinagselosan daw ito ni Billy Crawford, boyfriend ng aktres na naging dahilan daw kung bakit hindi kinakausap ng TV host si Nikki nang ilang araw.

Agad namang binigyang-linaw sa amin ni Billy nang makausap namin siya kamakailan sa set ng Showtime na walang katotohanan ang mga lumabas na balita.

Ayon sa TV host, pinaalam naman sa kanya ni Nikki ang gagawing eksena. Hindi niya ito napanood dahil wala siya sa bansa at buo ang suporta niya sa kung anuman ang ginagawa ng girlfriend.

Masaya at kuntento sa tinatakbo ng relasyon nila ng girlfriend, sa ilang taon na rin namang relasyon ng dalawa ay pareho na nilang nakikita ang mga sarili na mauuwi sa kasalan at pagkakaroon ng pamilya ang kanilang pagsasama.

Sa nasabi ni Nikki na nag-iipon silang dalawa para sa kanilang future, agad na klinaro sa amin ni Billy na wala silang joint account na baka iniisip ng iba ‘pag nabanggit ang pag-iipon sa isang matagal nang relasyon, at may kani-kaniya silang ipon ng kasintahan.

 

PROPESYUNAL MANG masasabi kung saan parehong nagagampanan nang mahusay nina Kim Chiu at Maja Salvador ang kanilang mga roles sa seryeng Ina,Kapatid, Anak, karamihan ng kani-lang mga kasama sa trabaho ay nararamdaman ang tensyon sa pagitan ng dalawa sa set ng IKA.

Mismong sila Janice de Belen, Eddie Gutierrez at iba pang kasama nila ang nagsasabi na nararamdaman nila ito. Pero nakabibilib na mahusay na nagagampanan ng dalawa ang mga roles nila bilang Celyn at Margaux ‘pag magkaeksena.

Para sa mga masusugid na tagasubaybay, mukhang nakatulong nga sa dalawa ang irinigan nila dahil may malalim naman talagang alitan sa pagitan ng kanilang mga karakter, kung saan ramdam nga raw talaga sa mga palitan ng kani-lang mga salita na may pinaghuhugutan ang dalawa.

Sa amin ay ginagamit pareho nina Kim at Maja sa sarili nilang bentahe ang ‘di nila pagkakaunawaan bilang mga tunay na artista.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

2 thoughts on “Ilang araw nang ‘di kinakausap ang GF
Billy Crawford, nagselos sa mainit na eksena nina Nikki Gil at Patrick Garcia sa serye?!

  1. Yes nakakabilib tlga ang husay s pag-arte nina Kim at lalonc Maja xobra xang galing for xure best actress xa next award seasons for her portrayal as Margaux….k tie c Janice!

  2. dyusko ang arte naman ni billy kung ganon, eh wala namang nangyari dun sa tsuktsakan nina nikki at patrick sa serye… OA!

Leave a Reply

Your email address will not be published.