Ilang Ahensiya ng Gobyerno, Sobra na ang Gastos

IBINUNYAG NG isang mambabatas ang sobra na umanong paggastos ngayon kumpara sa kanilang alokasyon.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, kabilang sa mga tanggapan na higit na sa nakasaad sa General Appropritaions Act (GAA) ang nagagastos ang Department of Energy (DOE) at Department of Justice (DOJ).

Nakapaglabas na aniya ang DOE ng P4.3 bilyon gayong lampas-kalahati pa lamang ng 2013 samantalang P3.2 bilyon lamang ang budget nito ngayong taon.

Base sa datos pa ng kongresista, tinukoy ni Colmenares na noong 2012, gumastos ang DOE ng P1.7 bilyon habang P1.2 bilyon lamang ang inilaang pondo rito.

Nakagastos naman aniya ang DOJ ng P10.4 bilyon ngayon, habang P10.1 bilyon lamang ang budget nito.

Taong 2012 nang gumastos ang DOJ ng P10.3 bilyon samantalang P8.6 bilyon lamang ang pondo nito.

Samantala, pinagpapaliwanag ni Colmenares ang Palasyo kung saan kumuha ng pondo ang mga ahensiya para sa sobrang paggastos.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.