Ikinulong ng Live-In Partner, GRO, Na-Rescue

MATAGUMPAY NA na-rescue ng pulisya ng Zamboanga City ang isang babaeng nagtatrabaho bilang guest relations officer (GRO) sa isang bar sa naturang lungsod na nai-report na ikinukulong ng live-in partner nito sa inuupahan nilang bahay.

Kinilala ng mga kinauukulan ang biktima na si Argelou Pimentel Libualas, 21, tubong Barangay Bugo, Cagayan De OrO City.

Ayon sa tiyahin ng biktima na si Arlyn Pimentel, noon pang nakaraang buwan ng Hunyo nang pumunta sa Zamboanga City ang biktima at simula noon ay hindi na nila ito nakontak.

Tumawag umano sa kanila ang biktima at humihingi ng tulong para makauwi dahil gusto na nitong ihinto ang kanyang pagtatrabaho bilang GRO, pero hindi siya pinapayagan ng kanyang kinakasama at ikinukulong pa siya nito.

Maliban dito, puwersahan umano siyang pinapagamit ng Shabu ng kanyang kinakasama at pilit pinapapasok sa Blue Diamond Pub House kung saan siya nagsisilbing GRO.

Matapos makuha ang lahat ng mga importanteng impormasyon para matunton ang kinaroroonan ng biktima, kaagad naglunsad ng operasyon ang mga miyembro ng Investigation Section ng Zamboanga City police office (ZCPO) sa pangunguna ng mismong hepe na si S/Insp. Arlan Delumpines.

Naaresto rin ng mga awtoridad ang sinasabing live-in partner nito na kinilalang si Nasher Estepa Askalani, 35, residente ng Barangay Guiwan ng lungsod.

Sa ngayon, desidido naman silang sampahan ng kaukulang kaso ang suspek para mabigyan ng hustisya ang sinapit ng biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Ikinulong ng Live-In Partner, GRO, Na-Rescue

  1. iupdate nyo ang story na to kasi nakakasira kayo ng reputasyon ng tao. napatunayan na yung suspek ay walang kasalanan. iUPDATE nyo po ito!

Leave a Reply

Your email address will not be published.