Ikinakadena sa kama Batang May Sakit sa Pag-iisip, Patay sa Sunog

ISANG 6 na taong gulang na lalaki ang namatay matapos masunog ang kani-lang bahay, alas-12 ng

hatinggabi kamakalawa sa may Fatima Compound, Barangay Zapote, Las Piñas City.

Pinangalanan ng mga awtoridad ang biktimang si Angelo Satur.

Kuwento ng mga kapitbahay, ikinakadena umano sa kama ang bata dahil umano sa problema sa pag-iisip. Bulag din umano ang isang mata ng biktima. Dahil dito hindi na nakalabas ang bata sa kasagsagan ng sunog.

Naharang ng mga tanod ang ina ng bata na si Analou Satur at stepfather na si Bernardo Ocome, na nagtangkang tumakas.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang dalawa na tinatangging kinadena ang bata sa kama.

Ayon sa isang ka-patid ng biktima, pinalo at kinadena ang kanyang kapatid ng kani-lang stepfather matapos mang-away.

Kasong parricide ang isinampa sa ina ng biktima at murder naman ang isasampa sa amain.

Sa ngayon, kinukupkop ng mga kaanak ang dalawang nakababatang kapatid ni Angelo.

(PARAZZI REPORTORAIL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.