Ikakasal na kasi sa boyfriend na Briton
Ate Glow, nauubos ang kita sa pagpaparetoke

Ate-GlowNAKAKALOKA ANG isang kuwento namin sa Startalk nu’ng Sabado tungkol dito kay Ate Glow na ikakasal na pala sa boyfriend niya na isang Briton.

Ang ganda-ganda ng hitad, ‘di ba?

Kuwento kasi ni Ate Glow, ang hilig daw ng mga Briton du’n ng mga lady boys na mga Pinoy.

Kaya waging-wagi ang ganda niya roon, at meron na ngang na-in love sa kanya nang husto at willing siyang pakasalan.

Kaya babalik siya sa London para makasama itong boyfriend niya at ayusin na ang pagpapakasal nila.

Ang ginawa pa ni Ate Glow, paretoke siya nang paretoke para lalo siyang magmukhang girl.

Tingin nga ng karamihan, hindi na raw ang dating Presidente Gloria Macapagal-Arroyo ang kamukha niya ngayon, kundi parang si Glaiza de Castro na raw.

Ang susunod niya yatang gagawin ay magpapadagdag pa siya ng boobs para lalo siyang sumeksi. Type daw ‘yan ng mga British guys kaya sa pagpaparetoke na napupunta ang kinikita ngayon ni Ate Glow.

In fairness naman, hindi naman daw katandaan ang pakakasalan niya, ha! Halos kaedad lang niya dahil 38 years old pa lang daw itong boyfriend niya at naipakilala na niya sa mga magulang niya.

Bongga si Ate Glow, ‘di ba?

Ano pa kaya kung nandu’n din sa London ang mga Super Sireyna ng Eat Bulaga? Pagkakaguluhan sila du’n ng mga kalalakihan sa London, I’m sure!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Ikakasal na kasi sa boyfriend na Briton
Ate Glow, nauubos ang kita sa pagpaparetoke

Leave a Reply

Your email address will not be published.