Ika- 6 na most wanted sa Parañaque, nalambat

 

NAARESTO NA ng mga kinauukulan ang pang-anim sa most wanted list ng Parañaque City Police sa Sitio Tuyuan, Barangay Merville.

Ayon kay Inspector Ferjed Torres ng City Intelligence Unit ng Paranaque Police, kinilala ang nalambat na suspek na si Richard Gonzales alyas Ricks Monteverde.

Inaresto si Gonzales sa bisa ng isang warrant of arrest na inisyu ng Parañaque Regional Trial Court Branch 258 na nag-ugat sa paglabag nito sa Republic 8294 o Illegal Possession of Firearms.

Napag-alaman din na miyembro ang nasabing suspek ng Sputnik Gang at konektado rin umano sa Ozamis robbery holdup group na umatake kamakailan sa Robinson Metro East, Robinsons Galleria at Alabang Town Center Mall.

Base sa mga ebidensyang nakalap ng pulisaya, isa si Gonzales sa mga kasama sa nasabing pag-atake nitong mga nagdaang buwan, ani Torres.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.