Ika-6 na Anibersaryo ng Navotas, Pinaghahandaan na

PINAGHAHANDAAN NA ng lunsod ng Navota ang pagdiriwang ng ika-6 na taong anibersaryo nito bilang isang lungsod sa darating na Hunyo 24 ng taong kasalukuyan.

Kasabay nito, naka-takdang manumpa sa katungkulan ang mga bagong halal na mga opisyales ng lokal na pamahalaan na uupo sa mula tanghali ng Hunyo 30, 2013 hanggang tanghali ng Hunyo 30, 2016.

Una na sa mga ito ang manunungkulan sa ikalawang pagkakataon bila-ng kinatawan at punong lungsod ng Navotas na sina Cong. Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco sa harap ni kagalang-galang na Bise Presidente Jejomar Binay.

Gaganapin ang seremonya sa Navotas Sports Complex sa ganap na alas 4:00 ng hapon. Susundan naman ito ng panunumpa sa panungkulan ng lahat ng konsehal ng Partido Navoteño na pinagkatiwalaan ng mga Navoteño at nanalo lahat bilang konsehal ng parehong distrito sa lungsod.

Ito ay sina (District 1) Kon. Doc Rey Monroy, Jack Santiago, Ethel Joy Arriola, Kon. Tarok Maño, Kon. Richard San Juan, at Kon. Boy Vicencio; (District 2) Kon. Marielle del Rosario, Kon. Steve Naval, Kon. Arnel Lupisan, Kon. Ricky Gino-gino, Orlie Castro, at Engr. Don de Guzman.

Isang thanksgiving concert naman ang inihanda para sa lahat ng Navoteño pagkatapos ng nasabing aktibidad bilang pagdiriwang ng napakahalagang okasyon “na nagpapatunay lamang ng patuloy na pag-unlad ng lungsod,” ani Mayor Tiangco.

At dahil sa hiling ng mga kababayang Navoteño, muling magsasagawa ng isang “Kasalang Bayan” isang araw matapos ang selebrasyon sa parehong lugar sa pa-ngunguna pa rin ng lokal na pamahalaan ng Navotas sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Tiangco at sa tulong ng Local Civil Registrar. Nag-umpisa na ang aplikasyon para sa libreng kasal noong Mayo 20 at magtatapos sa Hunyo 20.

Ang iba pang aktibidad na naka-angkla sa nasabing selebrasyon ay ang Funbike Actvity o sama-samang pagpadyak ng mga Navoteño sa Hunyo 30 at isang malawakang clean-up activity sa Hunyo 22.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.