Ika-58 Biktima Ng Maguindanao Massacre, Kinilala Na

KINILALA NA ng Justice Department ang ika-58 biktima ng karuma-dumal na Maguindanao massacre noong 2009.

Bagama’t hindi pa tuluyang nakikita ang labi, inilagay na ng DoJ si Reynaldo Momay sa listahan ng mga biktima ng masaker matapos makita ang ilang bahagi ng kanyang ngipin sa pinangyarihan ng krimen kung saan inilibing ang 57 iba pang biktima.

Ayon kay Quezon City Regional Trial Court clerk Jimmy Cardines, nirebisa na ng DoJ ang murder charges nito kung saan kabilang na si Momay bilang isa sa mga nasawi.

Higit 200 salarin pa rin ang nahaharap sa patung-patong na murder case kaugnay sa nasabing masaker.

Maaalala na idinawit ang makapangyarihang Ampatuan clan sa malagim na krimeng may kinalaman sa pulitika.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.