Ika-5 Anibersaryo, Ipagdiriwang sa Navotas

 

BILANG PAGHAHANDA sa ikalimang anibersaryo ng pagkaka-siyudad ng Navotas, limang malalaking proyekto ang inihanda ni Mayor John Rey Tiangco sa darating na Hunyo 24 taong kasalukuyan.

Aniya, “Dahil sa pakikiisa ng bawat mamamayan ng Navotas sa nakaraang limang taon, natatamo ng lungsod ngayon ang patuloy na pagtaas ng antas ng pamumuhay sa larangan ng edukasyon, kalusugan, kabuhayan, kapayapaan at kaayusan.”

Unang aktibidad na kaakibat ng nasabing selebrasyon ay ang paghahandog ng pabahay para sa mga residente ng lungsod na naapektuhan ng mga nakaraang kalamidad sa Hunyo 22, alas-10 ng umaga, sa Navotaas Socialized Housing Site, Brgy. Tanza Navotas.

May kabuuang 100 pamilya na ang nabigyan ng pabahay ni Mayor John Rey Tiangco sa tulong ng pork barrel na inilaan ng kapatid nito na si Cong. Toby Tiangco, at 550 kabahayan na ang itinatayo.

Magbibigay rin ang alkalde, kasama ang mga konsehal na sina Ricky Gino-gino, Eddie Taruk” Mano, Elsa Bautista-Teodoro, Richard San Juan, at Analiza Lupisan ng mga school bags at writing kits sa mga anak ng bagong residente ng housing site para sa kanilang pagbabalik-eskuwela.

Susundan ito ng “Padyak para sa Kaunlaran”, isang ‘funbike activity’ na iikot sa buong Navotas upang ipakita ang suporta ng mga siklista sa mga proyekto para sa kalusugan at kaunlaran.

Layunin namang mahikayat ang mga kabataan na magnegosyo sa kauna-unahang “Navotas Youth EnTRIPreneurship” sa Hunyo 23. Dadalo bilang tagapagsalita ang kilalang sports enthusiast at host ng programang “I Bilib” na si Chris Tiu sa nasabing aktibidad.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.