Ika-4 na world title, nasungkit ni Donaire

MATAGUMPAY NA nasungkit ni Nonito Donaire (28-1, 18 KOs) ang hinahangad nitong ika-apat na world title, matapos talunin ang former WBO junior featherweight champion na si Wilfredo Vazquez Jr. (21-2-1, 17 KOs).

Sa harap ng mahigit 14,120 mga tagahanga sa loob ng Alamodome sa San Antonio, Texas kapwa nagpakitang-gilas ang dalawang magigiting na boksingero.

Aminado si Donaire na hindi naging madali sa kanya ang kanilang naging laban lalo’t ito ang kauna-unahang pagsabak nito sa 122-pound division.

Sa Round 2, bumagsak pa si Donaire sa pagkakadulas matapos na hindi tumama ang mga suntok nito kay Vazquez, pero pagsapit ng Round 3, si Vazquez naman ang nadulas.

Sa ika-apat na round, malaki na ang pamamaga sa kanang mata ni Donaire.

Sa pagsapit naman ng Round 9, nagawa nang pabagsakin ni Donaire ang kalaban.

Batay sa scorecards, nakuha ni Vazquez ang 115-112 na iskor habang nakuha ni Donaire ang 117-110 at 117-110 para maiuwi ang bagong korona via split decision.

Hawak ng tinaguriang “The Filipino Flash” ang WBC at WBO bantamweight belts, interim WBA super flyweight at IBF flyweight titles.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.