Ika-114 Taong Anibersaryo ng Unang Republika ng Pilipinas, Gugunitain

MULING UUKIT sa kasaysayan ng bansa ang pangunguna ni dating Senador Ramon Magsaysay Jr. bilang kinatawan ni Pangulong  Benigno S. Aquino III sa pagdiriwang ng ika-114 taong anibersaryo ng pagpapasinaya ng Unang Republika ng Pilipinas sa Simbahan ng Barasoain sa Malolos City ngayong araw.

Kabilang ang mga lokal na opisyal, pangungunahan nina Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado at Bise Gob. Daniel Fernando ang mahalagang okasyong ito.

“Kung ang Baguio ay kilala sa kanilang Panagbenga at ang Pampanga naman ay sa kanilang makukulay na parol, nais nating itanghal ang dakilang lalawigan ng Bulacan bilang bayan ng mga bayani at sa makulay at mahalaga nitong bahagi sa kasaysayan ng Pilipinas.”

Inaasahang dadalo sa pagdiriwang sina Cavite Gov. Juanito Victor Remulla, Laguna Gov. Emilio Ramon Ejercito III, Manila Mayor Alfredo Lim, Nueva Ecija Gov. Aurelio Umali, Pampanga Gov. Lilia Pineda, Batangas Gov. Rosa Vilma Santos-Recto at Tarlac Gov. Victor Yap.

“This will be the first time that leaders of the eight provinces that broke from Spanish colonial rule will be present in marking the anniversary of the First Philippine Republic. Their presence will add more significance and boost unity among us in preserving one of the most important events in Philippine history,” anang gobernador.

Sinabi naman ni National Historical Commission of the Philippines Executive Director Ludovico Badoy na magsisimula ang programa ganap na ika-pito ng umaga sa pamamagitan ng pagtataas ng watawat at pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Hen. Emilio Aguinaldo.

“We want to uplift the awareness of our fellow Filipinos especially the young generation that this is a very significant part of the history. It is not only to promote Malolos, not only for Bulacan but for the entire country as well,” ani Badoy.

Ayon naman kay City Mayor Christian Natividad, tampok na gawain ang “Parada ng Republika” kung saan makikibahagi sa parada ang walong gobernador mula sa mga lalawigan na kumakatawan sa walong sinag ng araw na matatagpuan sa watawat ng Pilipinas.

Sinabi rin niya na maglalagay rin ng mga watawat at tarpaulins sa Roxas Boulevard upang maipaalam sa publiko ang okasyong ito.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.