Ika-107 Anibersaryo ng Navotas Pangisdaan Festival, Idaraos

MASAYANG BUONG linggong isinilebra ika-107 anibersaryo ng Pangisdaan Festival ng Navotas City, matapos magsagawa ng Mega Job Trade, motorcade, funbike, , Trade Fair, Drum and Lyre Competition, Mutya ng Navotas, Perlas de Navotas, Mardi Gras Parade at Pistang Kristiyano at iba pang patimpalak sa lungsod na nagsimula nitong nakararaan Enero, 8, 2013.

Ayon kay Navotas City Mayor John Rey Tiangco, tuwing ika-16 ng Enero, engrandeng idinaraos ng mga Navoteño ang anibersaryo ng lungsod hindi lang bilang ‘Fishing Capital’ ng bansa, kundi itaguyod na rin at mapalawak ang kultura at tradisyon.

Idinagdag pa ng alkalde, na magkakaron rin sila ng karera ng Bangka, fishing tournament at bibigyan din ng parangal ang top 10 taxpayers.

Ang pamahalaang lokal ng lungsod ng Navotas ay naglagay rin Tianggehang Navoteño na kung saan ang mga produkto ng mga residente mula sa 14 na barangay upang mapaunlad ito na nakalagay sa Navotas Centennial Park ng lungsod.

Sa taong ito ang tema ng selebrasyon ay “Sa patuloy na pagkakaisa, magpapatuloy ang pagtaas ng antas ng pamumuhay sa Navotas!” at makikita ito sa gaganaping taunang street dancing competition na sasalihan ng mag-aaral mula sa 6-secondary at 1-tertiary schools sa dara-ting na January 14.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.