IGLESIA NI CRISTO, SUPORTADO SI ARA MINA

Ara Mina and sister Mina Princess Klenk

TEXT INVITATION sa akin for  Ara Mina’s presscon for her fun run event, the venue is the Iglesia ni Cristo’s (INC) Philippine Sports Arena in Bocaue, Bulacan.

Tanong ko sa sarili, from being a Roman Catholic; lumipat na ba si Ara sa ibang pananampalataya?

Nope, solid Catholic pa rin si Ara at ang PSA na pag-aari ng INC ay sumusuporta sa event niya na “ tAra na sa ARenA 2018” na isang fun run para sa mga batang may down syndrome.

Yes, kabilang ang naturang celebrity fun ni Ara para sa mga batang may DS tulad ng kapatid niya na si Batching (Mina Princess Klenk ang tunay na pangalan) na “baby”  nilang magkakapatid.

Close is Ara kay Batching na ang nickname ay mula sa word na “tabaching” na love na love ng singer-actress.

“She’s like a baby,” description ni Ara sa kapatid. 

Sa naturang fun run, hindi lang ang naturang sports activity ang magiging kaganapan come May 27 (Sunday) dahil may mga celebrity bazaar, zumba at may show-concert sa gabi.

“We will start in the afternoon kaya it will be fun. Multi-event ang magaganap sa May 27. May fun run, may bazaar na sasalihan ng mga celebrity friends ko like Cristine Bersola at marami pang iba.

 

Ara Mina and sister Mina Princess (Batching) with runner Rio

“Friends from showbiz have confirmed their participation and I hope we can raise funds for the cause,” paliwanag ni Ara na nage-aim na makalikom sila ng Php 1 million in this event.

Katuwang ni Ara and her team ang Run Rio na kilalang even organizer for such fun runs in the country.

Sa ngayon, aside from being busy sa kanyang Hazelberry Café located in Don Antonio in Commonwealth in Kyusi (they will open a new branch in Alabang soon) ay isinasabay din niya ang kanyang bagong discovered na summit hiking na nae-enjoy din niya with her friends.

Very active si Ara sa kanyang physical activities na since she started her new found adventure ay naka-wolang summit na siya naakyat at ang una ay ang Mt. Pulag sa Benguet na sinundan pa ng mga pag-akyat sa Mt. Maculot (in Batangas) at ilang mga bundok sa Rizal province.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.